Subscribe:
Subscribe Twitter Facebook

Saturday, August 27, 2011

Pagkatapos ng una mong marathon

Kapag natapos mo ang iyong unang marathon, mapapa-isip ka kung ano ang susunod mong gawin. natural na sa tao ang maghanap ng magbibigay sa kaniya ng bagong challenge kaya malamang iniisip mo kung ano ang susunod mong gagawin. nandyan ang triathlon, kung saan makikipagbuno ka sa larangan ng bisikleta at languyan. at syempre, andyan ang ultra kung saan tatakbo ka ng higit sa distansya ng marathon, sa ilalim ng init ng araw na loob ng mahabang oras. o kaya pwede ring bumalik ka sa dating distansya at maging speed specialist kung saan talagang huhulmahin mo ang iyong sarili sa pakikipagbakbakan sa larangan ng bilis. Pwede mo ring gawin ang lahat kung talagang adik ka talaga.

Anuman ang mapili mo sa mga iyan, paghandaaan mong maigi at gamitin mo ang iyong puso. mas magiging maligaya ka kung iisipin mo na ito ay talagang gusto mo pagkat habambuhay mong dadalhin ang mga kwento at karanasang napulot sa iyong napiling larangan. higit sa lahat, nawa ay maging inspirasyon ang iyong mga kwento para sa mga taong nakatapak din sa wakas sa finish line ng kanilang unang marathon

Ako, gusto kong maranasan ang lahat ng iyan pero di ko pinagsisihan ang aking desisyon na mahalin ang larangan ng Ultra. Kesa nga naman drugs di ba?

Mabuhay ang mga adik!
Proudly Pinoy!