Subscribe:
Subscribe Twitter Facebook

Friday, January 10, 2014

Ang Puting Balat

(repost from my old non-functional multiply blog)

Bakit ganun, takot tayong mga Pinoy umitim? Ano bang masama kung ang kulay mo ay maging kayumanggi? Bakit ba ayaw niyong tanggapin na likas sa atin ang hindi maging  kulay porselana?

Naiinis lang kasi ako sa mga taong pilit nagpaputi. Tipong subukan ang lahat ng bagay para lang lumiwanag ang kulay. Handang gumastos para lang sabihang maganda at titingalain ng lahat. Dahil siguro sa mga nakikita natin sa media at mga libro, pag sinabing maganda = maputi. Kulay daw ng kalinisan at kaselanan.

Iniisip ko lang kung lahat ng Pinoy naging puti. Paano na kaya ang sakahan natin? Sino na ang magtatanim gayong ayaw mong maarawan at magkulay lupa ang iyong balat? Sino ang manguha ng isda at papalaot sa dagat sa katanghaliang tapat para manguha ng kanilang ikabubuhay?

Hindi ko lang talaga lubos maisip bakit ang sama ng tingin nating Pilipino sa kulay kayumanggi. Di ko sinasabing masama ang puti pero sana tanggapin natin ang kulay ng ating lahi. Ay leche, hindi ko sinulat ito dahil negro ako o naiinis ako sa mga kumukutya sa kin, gusto ko lang ilabas kung ano ang aking masasabi sa isyung ito. Hay Pinoy, sobrang chinovela na yan...
(isinulat ko ang akdang ito dahil sa mga lintik na ale sa jeep na alang pinag-usapan kungdi magpaganda. istorbo sa tulog)

No comments:

Post a Comment

Proudly Pinoy!