Ngayon ko naintindihan uli ang joke na UP = University of Pila! Kung kailan last sem ko na tsaka pa talaga nangyari :(.
Scenario: Bayaran sa OUR
Characters: Ako (bida)
Katabing chick (leading lady)
Mga peyups student (mga dakilang extra)
Scene 1: 11:00 am -> sa pag-aakalang mabilis lang ang pilahan sa bayaran ng OUR, dun ko binalak bayaran ang aking matrikula. Salamat sa BPI (langya kayo, lahat ng ATM niyo offline kahapon!) at hindi ako nakapagbayad agad nung unang araw ko sa enrollment.
Pagdating sa OUR, nagtanong kung saan ang pila ng bayaran. Turo naman si leading lady sa pilang pagka-haba-haba. Take note, talagang mahaba siya kasi pati 2nd floor ng OUR umabot siya at pumalibot pa! Anak ng pating, mapapasubo ata ako :(
11:15 am -> Naisipan kong nandito na rin ako kaya pinuntahan ko na ang dulo ng pila at "pumila". Ayos lang kasi may matching upuan naman at hindi nakakangalay maghintay. May electric fan din pala na nakakalat sa lugar ng pilahan kaya di rin mainitan. Nakausap ko pa uli si leading lady habang nasa pila at nagtanong ng ilang bagay-bagay tungkol sa buhay niya (ang conversation sa susunod na post ko).
12:00 pm -> Inabot ko ang dulo ng 2nd floor na pila. Take note, dulo ng pila papuntang first floor para sa part two ng pilahan blues ko sa enrollment. Di mo maiwasan din na makinig sa hagikgikan at usapan ng ilang estudyante habang nabuburyong ka na sa kakahintay sa pila (nalaman ko ang isa dun ay graduating na pero di sigurado kung kaya pang suportahan ng pamilya ang kaniyang pag-aaral :( )
12:30 pm -> Nababaliw na ko sa kakahintay. Deliryo na ata sa banas ng mga nangyayari kasi sobrang bagal. Pero parang may naghimala at bumilis uli ang galaw niya pagtapos ng 5 minuto! Balik na uli ang ngiti sa mukha ko
12:45 pm -> Anak ng pating bumagal na naman. Isang tawagan na lang at nandun na ko sa loob. Pero no, masama ang tadhana. Ayaw ata talaga ko patapusin sa del.... sabay pinapasok nila kami! Yeh...
12:50 pm -> Banas, magsasaya na sana ko ng makita ko kung ano nangyayari sa loob. Naka-break ang tatlo sa apat na kahera at naging sanhi ng pagbagal ng pila. Sayang ang binandera nila sa labas na "Walang lunch break" daw ang bayaran. Hay....
1:00 pm -> Natapos ang aking paghihirap. Ito na ang simula ng aking huling semestre sa UP....
:D
Sweet Sixteen
-
Today marked the sixteen years that elapsed since this blog was officially
launched!
4 days ago
No comments:
Post a Comment